Ang Pagbabalik
A translation of Timothy Montes’s “The return” by Sally Villasis
Si Jocelyn ay lumaki sa Maynila pero iginugol nya sa Samar ang kanyang kabataan sa miserable at di malilimutang apat na taon.
Sya ay labing-anim na taon pa lamang nang magmahal sya sa isang labingpitong taong gulang na binata mula doon.
Madalas silang nagtatagpo sa may pintuan ng Quiapo Church kung gabi.
Ang nanay ni Jocelyn na nagtitinda ng tabako sa Divisoria ay pinagagalitan sya at sinasabihan na walang magandang mangyayari sa kanyang relasyon sa isang nagtitinda ng sigarilyo.
Kaya nagtanan sila sa bayan ng binata.
Iyon ang kanyang unang paglalakbay sa isang pinabayaang isla.
Naranasan nya sa Samar and sunod-sunod na gawaing bukid, pagluto ng pagkain at paglalakad sa maruming daanan ng baryo na wala man lang palengke. Namuhay sya na ginagawa ang mahirap na gawain sa lugar na walang kuryente habang and kanyang asawa ay naglalaro ng basketball tuwing hapon, umiinom ng tuba kung gabi, at natutulog buong umaga.
Sa loob ng apat na taon, mula labing-anim hanggang dalawampu, ang babaing ito na lumaki sa kahabaan ng Carriedo ay dinanas ang hirap ng buhay sa baryo. At isang araw, nang pinagalitan sya ng kanyang biyenan dahil sa pagkabasag ng isang baso habang sya’y naghuhugas, sya’y nabigla. Wala man lang isang salita, hindi na pinansin ang naiwang hinuhugasan, iniwan nya ang kanyang asawa at ang mahirap na buhay sa isla ng Samar.
Dalawampung taon ang lumipas nang makita ko si Jocelyn sa bangka pabalik doon.
Wednesday, June 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment